Haybol
Patrick Orquia
Pagdating sa bahay galing sa eskwela,
Makikinig sa radio ng mga kanta.
Hihintayin ko, idolong mang-aawit,
Hihintayin ko kahit ako'y mangawit.
Magtetelebabad hanggang sa mabingi,
'Nood ng TV hanggang mata'y lumaki.
Tutugtog ng gitara buong maghapon...
Teka, 'di ba't ginawa ko 'to kahapon?
Alas-sais na, madilim na sa labas,
Takbo sa tindahan, bibili ng bigas.
Hindi pa nagsasaing, mag-gagabi na,
Sesermonan na naman ako ni Mamá.
Tapos ng hapunan, hugasan ang plato.
Pero bago 'yon, pakainin ang aso.
Pagkatapos no'n, matulog nang maaga,
'Wag nang tumunganga, bukas may pasok pa.
Patrick Orquia
Pagdating sa bahay galing sa eskwela,
Makikinig sa radio ng mga kanta.
Hihintayin ko, idolong mang-aawit,
Hihintayin ko kahit ako'y mangawit.
Magtetelebabad hanggang sa mabingi,
'Nood ng TV hanggang mata'y lumaki.
Tutugtog ng gitara buong maghapon...
Teka, 'di ba't ginawa ko 'to kahapon?
Alas-sais na, madilim na sa labas,
Takbo sa tindahan, bibili ng bigas.
Hindi pa nagsasaing, mag-gagabi na,
Sesermonan na naman ako ni Mamá.
Tapos ng hapunan, hugasan ang plato.
Pero bago 'yon, pakainin ang aso.
Pagkatapos no'n, matulog nang maaga,
'Wag nang tumunganga, bukas may pasok pa.