Pagpapatiwakal
Erica Abbass
hayaan na lunurin ako
ng totoong luha
na bubukal sa sarili kong ugat
dadaloy
patuloy
hayaan na laslasin
ang sariling isip
para makalaya
di na makuklong
wala nang tanikala
hayaang ibitin
ng nagkukumagkag na mga kamay
sa itaas
lalambitin
hayaang padaluying muli
ang dugo sa umaantak na sugat
paghilom ng laman
ay di nalalayo
hayaan na malagutan ng hininga
at umiyak
at magsisi
ngunit huli na
dahil ako'y nagpatiwakal
matagal na.
Erica Abbass
hayaan na lunurin ako
ng totoong luha
na bubukal sa sarili kong ugat
dadaloy
patuloy
hayaan na laslasin
ang sariling isip
para makalaya
di na makuklong
wala nang tanikala
hayaang ibitin
ng nagkukumagkag na mga kamay
sa itaas
lalambitin
hayaang padaluying muli
ang dugo sa umaantak na sugat
paghilom ng laman
ay di nalalayo
hayaan na malagutan ng hininga
at umiyak
at magsisi
ngunit huli na
dahil ako'y nagpatiwakal
matagal na.