beta taster
By Phillip Kimpo Jr.



sasabay ako sa hapunan
ng mga nasa Jollibee
walang bayad, walang pila

halukay lang sa gabi.

eto, jackpot!
may karne pang nakakapit
sa butong makatas
sa laway.
malamán,
pero
Chickenjoy ulit?

itinapon ko sa ‘king kapatid
gusto ko'y Burger Steak.